You Better Shape Up!

Maaring basted ka ngayon dahil sa mayroon ka pang kahinaang kailangang ayusin sa buhay mo. FIX YOURSELF FIRST para kapag pinakita na sayo ni Lord ang babaeng para sa iyo ay ready ka na mahalin sya ng buong-buo.

Habang lagi ka pang nababasted, BUILD YOURSELF UP, FIX YOURSELF, YOU BETTER SHAPE UP. Magsigasig ka sa pagtatrabaho/pagnenegosyo, increase your learning, travel if madaming budget, save money, create assets, magpamacho ka, build/buy a house para kapag dumating na ang tamang babae sa buhay mo ay secure ka na sa sarili mo.

Blessing In Disguise

Sa iyong BROKENESS, asahan mong merong BLESSING IN DISGUISE na naghihintay sayo.

That pain that you can have right now, use it to be better. Improve yourself, have some self-love. And most importantly, use your pain to draw more closer to the LOVER OF YOUR SOUL and do not walk away from Him.

Mga Dapat Tandaan Bago Manligaw Ulit.

BAGO KA ULIT MANLIGAW NG BABAE, TANUNGIN MO MUNA ANG SARILI MO:

Ready ka na bang masabihan ulit na “sorry hanggang friends lang turing ko sayo (in short: MUKHA KANG PALAKA, UMALIS KA SA HARAPAN KO!!!)” tapos ay masi-seen zone, mai-ignore zone, at ang masaklap ay ibablock ka sa Messeger at ia-unfriend ka sa Facebook?!

Ready ka na bang matawag ulit o matatawag pa lang na STALKER regardless na malinaw o di malinaw sa kanya na nanliligaw ka?

Kaya mo bang sikmurain na di ka na nya papansinin at di maging totoo sa sinabi nya na FRIENDS LANG DAW KAYO?

Inihanda mo na ba ang sarili mo sa judgment ng ibang tao?

Sigurado ka bang walang sabit (ibang lalake) ang nililigawan mo. Single nga ba talaga sya?

AT ANG HIGIT SA LAHAT…

Inihanda mo na ba ang sarili mo na masasaktan at masasaktan ka regardless na magkatuluyan man kayo o hindi?

OK Lang Mabasted.

OK LANG MABASTED. You need that in life. Being basted is like experiencing failures in life. Paano ka tatayo sa lugmok ng kalungkutan? Paano ka makakawala sa kahihiyang ginawa mo sa babae? (lalo na sa mga nagpropose in public). Paano mo aayusin muli ang relasyon mo sa babaeng iyong inibig na maging kaibigan mo siyang muli? Ganyan na ganyan ang buhay. Hindi yan kawalan o kahinaan ng pagkalalake. In fact, KINALALAKE MO YAN!

BASTED KUNG BASTED! PATAY KUNG PATAY! Ang mahalaga, NAG-RISK ka. Yan ang lalake, marunong magrisk. You are giving favor to yourself that you’re a man. You are informing the lady that YOU ARE WILLING TO FIGHT FOR HER.