Featured

BE A BIG CATCH AND SECURE

Kung lagi kang basted at wala namang mali sa iyong pagkatao, marahil kailangan mo pang iimprove ang sarili mo for the better. Ngayon, kapag nag-improve ka na at lapitin ka pa din ng pagiging basted ay OK lang yan my friend. Kasi kapag establish ka sa sarili mo, kahit isang damukal na babae pa ang bumasted sayo ay di mo na iisipin ng matindi yun. Secure ka naman sa sarili mo kaya sila ang maghihinayang sa iyo sa bandang huli. Pinakawalan nila ang THE BIG CATCH which is YOU. Hindi man uso sa iyo ang hitting two birds in one stone” at least naka-hit ka ng isang importanteng bird sa dalawa. That is to become a better man. Not a bitter man.

Featured

Hindi Mo Kailangan ng Cervesa.

Hindi mo kailangan ng alak para mawala ang sakit na narararamdaman mo dahil sa nasaktan ka sa pagkabasted sa iyo. Walang magagawa ang alak sa katawan mo kundi lalasingin, bibigyan ng hangover, at sasakit ang iyong ulo. Pandagdag pa ng baby belly yan.

Ang kailangan mong gawin para mawala ang sakit ay ang MAGREFLECT SA SARILI, UMIYAK, AT TANGGAPIN ANG PAGKATALO KUNG WALA TALAGANG KAPAGA-PAGASA. πŸ™‚

Featured

Pahalagahan Mo Siya Kung Hindi…

Kung nabasted ka na din gaya ko ng sandamakmak na beses. Sinisigurado ko na kapag nakilala mo na ang babaeng sumagot sa iyo ng matamis na “OO” ay papahalagahan mo siya at aalagaan. Dahil kapag di mo siya pinahalagahan ay back to zero ka ulit. GUSTO MO BA ULIT MANLIGAW NA NAMAN AT MAEXPERIENCE ULIT ANG SANDAMAKMAK NA PAMBABASTED SAYO?!

Kaya naman pahalagahan mo siya please lang. Bukod sa naakapagod ang manligaw ulit at nakakasayang ng kaperahan, nakakapagod din ang mag-adjust ulit sa isang babae. Huwag sayangin ang oras at emosyon. Huwag wasakin ang puso ng pauli-ulit. πŸ™‚

Happy Heart’s Day. πŸ™‚

Featured

Habang Di Pa Siya Nadating…

Habang di pa dumarating ang babaeng nilaan para sa iyo ni Lord, try mong gawin ang mga ito:

  1. Pagandahin mo ang credit score mo para habul-habulin ka ng mga credit card company sa mga pre-approve cards

2. Magtayo/bumili ka ng bahay.

3. Paglinangin mo ang iyong kaalaman sa kaperahan

4. Magtake ka ng Masters Degree if graduate ka ng college, or ipagpatuloy mo ang pagaaral mo kung di ka pa tapos.

5. Papromote ka sa trabaho.

6. Kung ayaw mo ng promotion ay magtayo ka ng sarili mong kumpanya.

GAWING SUCCESSFUL ANG IYONG SARILI habang siya ay iyong naantay. Patience is a virtue. THERE IS BEAUTY IN WAITING. πŸ™‚

Featured

Di Ka Type ng Babae kung… Part 1

Heto ang ilan sa mga nadiscover ko na signs na masasabi mong HINDI KA GUSTO NG BABAENG NILILIGAWAN MO.

  1. Ayaw niyang magdikit ang balat ninyong dalawa.
  2. Di ka pinapansin ng mga friends nya.
  3. Di sya natatawa sa mga jokes mong havey, mas lalo na sa waley.
  4. Kinukwento nya ang crush nya sayo.
  5. Kapag inaasar ka nya sa ibang babae o nirereto sa ibang babae.

Sana makatulong ito para maka-move on ka na kaagad. Abangan ang Part 2. πŸ™‚

Featured

Minsan Kailangan Mo Talaga.

Sometimes, your heart needs to be broken to be whole again ika nga ng isang fastfood commercial.

Di yan nalalayo sa buhay basted moments natin. Minsan talaga kailangan natin mareject upang mas mabuo tayo bilang isang tao. Sa rejection mas nakikilala pa natin ang ating sarili bilang isang tao at isang lalake. At higit sa lahat, inaallow ng Lord ang rejection na yan at kasakitan sa puso mong brokenhearted kasi gusto ka nyang lumapit muli sa kanya. This pain might be sign na nakakalimutan na natin sya.

Kaya naman, inaanyayahan kitang magreflect sa iyong sarili at lumapit sa Panginoon. Kahit di nya ikaw sagutin sa ngayon at nasasaktan ka, lumapit ka lang. Tandaan mo basted brother. HE IS CLOSE TO THE BROKENHEARTED. πŸ™‚

Featured

Being Single is Miserable IF…

MISERABLE ANG MAGING SINGLE!

Oo. Its miserable kapag di mo inimprove ang sarili mo sa isang bagay na gusto mong magsucceed sa buhay.

Take this time of your singlehood to be the best that you can be. I believe that you want also the best companion in life my basted friend. AND YOU WILL ONLY DESERVE THE BEST IF YOU ARE ALSO THE BEST.

#BestIsTheBest